Nagbago ang Pananaw ng mga Netizen Matapos na Mag-viral ang Larawan ng Isang Seaman na Pagod na Pagod dahil sa Trabaho!



Kumalat ang larawan ng isang seaman na namamahinga sa sandaling oras dahil sa pagod sa kanyang trabaho. Ibinahagi ng kanyang misis na si Ticong-Nicolas Jimma sa facebook ang totoong trabaho ng kanyang asawa.

Lingid sa kaalaman ng iba, hirap at pangungulila ang kalaban ng mga seamas sa tuwing sila ay sasampa ng barko at mawawalay sa kanilang pamilya.

"Love your husband/boyfriend/family as he loves you and your relationship. Saludo sa mga marinero na walang sawang nagpapagod para sa pamilya nila para lang mabigyan sila ng magandang buhay," ani ni Jimma.


Sa larawan ng kanyang asawa ay makikita ang hirap at pagod ngunit nagtitiis para sa kapakanan ng kanyang pamilya. Ito ang katotohanang buhay ng mga marinero sa barko at hindi ang mga magagandang litrato na nakasakay sa barko at may background na dagat.

"For a seaman's wifes like me, I think our partners deserve extra care and love when they are not on board, instead of nagging and telling them 'You go now. Call the office beacause we need money," payo pa ni Jimma sa mga misis ng seaman gaya niya.


Para naman sa mga kamag-anak ng isang seaman ay sinabi niyang "For those relatives who always think that your relative seaman is sleeping with money, just look at this picture. Maybe it's a wake up call to some families who are fighting over seaman's money."


Isang mensahe lamang ito na ipinahahatid sa mga tao na huwag manghusga sa magagandang nakikita, bagkus ay tingnan ang hirap at sakripisyo nila dahil hindi sila nakarating kung nasaan na sila, pinaghirapan at pinagsumikapan nila ito para maabot ang kanilang gutso sa buhay.

5 comments:

  1. True yan dhil ang iba ay kapag seaman ka mapera hindi nla alm

    ReplyDelete
  2. Very true indeed ! We can't tell what's behind any perfect looking pic without seeing it in reality . That's what pics are for . lheia

    ReplyDelete
  3. for me..verry..verry true misis ang iyong isini share in public to call wake up anybody there family/relatives na magsasabi madamot kla mo.kung sino na nkpag seaman lang hnd na namamansin..susme kung ganun kahirap ang iyong pinagdaanan bago ka kumita ng malaki laki for the future of ur family naman tlga yan hnd pra sa iba pag may sobra pde nman mag share pero wag manghusga agad kasi ung ibnh seaman pag isipan nila muna ng mabuti ang dapt nilang itutulong dhl sa hitap na pinagdaanan..kya kadalasan hbng nsa barko pa sila masagana ang naiiwan or pinadalhan pag uwi ng seaman gastos doon gastos dito saglit lang wala na ang sagana..kya dapt din tlga mag ipon ang mga naiiwan..saludo ako sa mga seamen dyan out there,God bless all♥️

    ReplyDelete
  4. Hindi madali maging seaman kaya iban jan maka seaman wagas
    Oo totoo malaki ang sahod sa cruise ship malaki nga sahod
    Bakit mababayaran ba ang buhay ng pera kaya alagaan ang sarili lage mga kabaro dahil lang lage wag pabayaan ang sarili lage.

    ReplyDelete