Matandang Lalaki na Naglalako ng Donut, Nagsoli ng Pitaka na may Lamang P10,000!



Marami na ang naiiuulat sa ating bansa ang mga simpleng mamamayan o kadalasan pa ay mga kapos sa buhay, ay nagsosoli ng mga bagay na kanilang nakikita o napupulot kahit na ito ay nagkakahalaga ng malaki. Kahit na may ilan sa atin ang nasisilaw sa mga mahahalagang bagay ay marami at lamang pa din ang tapat sa kapwa.


Isang matandang lalaki ang nagsoli ng pitaka na may lamang pera na nagkakahalagang P10,000. Ang hanap buhay ni Tatay Jojo ay ang paglalako ng donut na hindi gano'n kalaki ang kita at sapat lamang para makaraos sa pang araw-araw.

Nang mapulot niya ang pitaka ay hindi nag dalawang-isip si Tatay Jojo na isoli ito sa nagmamay-ari kaya naman, naisipan niyang magpunta sa pinaka malapit na Barangay Office.



Agad naman na nahanap ang may-ari ng pitaka dahil sa loob nito ay mayroong ID na nakita. Kinilalang si Jose ang nagmamay-ari ng pitaka at lubos naman ang kaligayahan niya dahil naibalik sa kanya ang pitaka.

Naglalarawan si Tatay Jojo na sa kabila ng hirap ng buhay ay hindi niya naisip o tinangka na kunin at angkinin ang hindi niya pagmamay-ari dahil mas nangingibabaw kay Tatay Jojo ang kabutihan ng kanyang kalooban.

No comments