Mag-ama, Naghahanap ng Trabaho at Masisilungan Dahil Nil0ko Umano Sila ng Dati Nilang Amo!



Isang concerned netizen ang nagbahagi ng larawan ng mag-ama na niloko umano ng kanilang amo kaya ngayon ay naghahanap sila ng mapapasukan na mayroong masisilungan.

Si Tatay ay nagpakilalang si Jose "Joey" Ramos, 51-anyos habang ang kanyang anak ay 11-anyos pa lamang at naninirahan noon sa Obando, Bulacan. Sila daw ay galing sa Bahay Pari, Candaba sa Pampanga at namamasukan bilang pastol ng mga itik ngunit sa kasamaang palad ay nil0ko umano sila ng kanilang amo.


Dahil dito, mula Candaba, pampanga ay nilakad nila hanggang sa makarting sila sa Floating Market sa Cabiao at sila ay tatlong araw na umanong namamalagi doon dahil wala sila mauwian kaya naman, ang mag-amang ito ay naghahanap ng mapapasukang trabaho.


"Naghahanap po sila ng mapapasukan na trabaho pwede daw po sila sa poultry, Hardware, contraction, caretaker , o kahit na anong trabaho basta mayroon lang silang masilungan,"
 base sa facebook post ng concerned netizen na si Rogelio D. Noe

Sa mga nais tumulong ay narito ang kabuuang post ni Rogelio sa kanyang facebook account:

No comments