Lalaking Dayuhan, Natagpuang Natutulog nalamang sa Kalye !



Isang concerned netizen ang nagbahagi ng larawan ng isang lalaki na natutulog sa kalye. Siya ay si Lehcar Balayut. Ibinahagi niya sa kanyang facebook account ang nakakaawang sitwasyon ng dayuhan na ito.

Kinilala ang dayuhan na si David Allie. Siya ay nagmula pa sa bansang Canda. Ayon sa facebook post ni Balayut, gabi noon nang makita niya ang lalaki na natutulog sa kalsada. Inakala niyang isang matandang lalaki lamang ang natutulog.


Kinabukasan ay binalikan niya ang lalaki, nakita niyang isang dayuhan ang palaboy na ito. Agad naman niyang pinag-bigay alam ang nakita niya sa kanilang Barangay. Ibinahagi niya rin ito sa facebook upang sa gano'n ay nagbakasakali siyang makita ng kanyang kaanak ang lagay ni David.

Nananawagan din siya sa mga tao na sana ay may mag-abot ng tulong kay David dahil talagang nakakaawa ang sitwasyon nito. Walang pamilya o kahit na ano.

Narito ang kabuuang post ni Balayut sa kanyang facebook account:


"Gud evening po...humihungi po sana ako ng tulong kahit simpleng share po... Para po kay MR. David Allie he said his from canada po.. palaboy laboy po sya dito sa brgy. Sapalibutad po.... Nkita po namin sya around 7:30 pm po malapit po sa sameera... Kala po namin ng pamangkin ko matanda po sya so binalikan po namin para nga po matulungan... Then nung makita po namin sya foreigner nga po... So un po nireport po namin sya sa brgy.. para nga po matulungan sya.....

Sana po kahit sa simpleng share lang po matulungan natin sya para po malaman ng Family nya and situation nya dito or kahit mga naging kaibigan po o mga nakakakilala po sa kanyan para po matulungan po sya.... Maraming salamat in andvance sa mga magsishare po.... And thank you din po sa mga tumulung kanina sa amin.. para madala sya sa brgy hall.. sa mga patrol po salamat"

No comments