Panoorin! Kutsinta Vendor na si Tatay Joselito, Pinasilip ang mga Binigay sa Kanya ni Idol Ivana Alawi!



Mapapanood sa isang vlog ni Tatay Joselito ang pagpapakita niya ng mga ibinagay sa kanya ng vlogger at aktres na si Ivana Alawi. Sa video na ito ay ibinahagi sa publiko ni Tatay Joselito ang natanggap niyang motorsiklo at iba't ibang appliances sa bahay.

Mayroong electric fan, Television, refrigarator at iba pa. Mapapansin din ang ilang kilo ng bigas na natira para sa mga hindi pa nabibigyan ni Tatay Joselito.


Kamakailan lamang ay kumalat ang isang video ni Tatay Joselito na nagrere-pack ng mga goods para sa kanyang kapwa bilang pagtulong na din sa kanila dahil sa natanggap niyang biyaya kay Ivana. Nang matanggap ang mga tulong sa kanya ng aktres ay agad naman niyang naisip ang kanyang kapwa kutsinta vendor at binahagiaan din ng biyaya.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang 'street prank' ni Ivana kamakailan na manghihingi siya ng tulong sa mga tao at may gantimpala na kapalit. Isa si Tatay Joselito sa naging tatak ng content na ito dahil nang bigyan si Ivana ni tatay Joselito ng bente pesos, puto at nagawa pa niyang mag-alok na bibilhan niya ang aktres ng maiinom ay hindi na napigilan ni Ivana na maiyak.


Hindi lamang ito ang unang pagtulong ni Ivana dahil marami na siyang natulungan gaya ng nagpamigay siya ng tulong sa mga biktima ng baha sa Isabela at Cagayan noong Nobyembre. Nakapagbigay na din siya ng scholarships noong naabot niya ang 10 millions subscribers.


Lubos ang biyaya na nakukuha ni Ivana at ibinabahagi naman niya ito sa iba. Kagaya ni Ivana, si Tatay Joselito na nabahagian ng tulong in Ivana ay hidni din siya nagdalawang isip na tumulong din sa iba.

No comments