Panoorin' Kiko Matos! Napikon kay Khifer kaya sinampal niya ito sa Kanilang Collab!



Kamakailan lamang ay nag-viral ang video nina Kiko Matos at Khifer Brosse. Nag-collab ang dalawang vlogger para sa isang video kung saan may content na sila ay maglalaro ng basketball. Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang laro ay sinåmpal ni Kiko si Khifer dahil sa init ng ulo. Dahil dito, karamihan sa mga netizen ay sinabing scripted lamang ang ginawa nila.



Matapos na kumalat ang video ng pananampål ni Kiko kay Khifer, ay nagbigay naman sila ng pahayag sa isa't-isa sa pamamagitan ng pag-upload ng video sa Youtube. May ilan na pumapanig kay Khifer, may ilan din na naniniwala kay Kiko.

Ayon kay Khifer, magsasampa umano siya ng demanda laban kay Kiko dahil sa ginawa nito sa kanya. Hindi umano tama ang manåkit siya nang dahil lamang sa nåpikon ito sa kanya. Kung hindi daw nagustuhan ni Kiko ang mga pananalita ni Khifer ay sana sinabihan na lang niya ito at kinausap ng maayos at hindi na nauwi sa pananåmpal.


"Magfi-file nalang ako ng case laban sa’yo dahil hindi ko matanggap ‘yung ginawa mo sa’kin pag sampal," ani niya. "Hindi ‘yun rason para manakit ka ng tao, pwede mo naman putulin ‘yung video at sabihin na ‘wag ‘yun ang sabihin mo kasi ano ‘yan foul ‘yan sa’kin’ meron parin akong dignidad," dagdag pa ni Khifer.


Ayon naman sa aktor na si Kiko, dumayo pa umano siya ng Cavite upang makipag-collab kay Khifer. Dahil nag-uumpisa pa lamang si Kiko sa pag-vlog ay pumayag siyang makipag-collaborate kay Khifer na mayroon ng milyon ng subscribers.

Ngunit hindi niya nagustuhan ang mga pananalita ni Khifer sa kanya at sinabihan pa niya ng masasakit na salita. Isa umanong båst0s at walang pinag-aralan itong vlogger na si Khifer.


"Deserve mong masampal, kulang pa nga ‘yun eh pasalamat ka hindi kita inabot, tas ngayon iiyak iyak ka sa social media, kukunin mo ‘yung simpatya ng tao, sige ako na ‘yung masama," sabi ni Kiko.


Hindi naman natakot si Kiko sa sinabi ni Khifer na idedemanda siya nito at handa siyang harapin ang posibleng maging kas0 nito. "Gusto mo samahan pa kita kay Tulfo eh, kahit saan sasamahan kita," paghahamon ni Kiko.

Sinabi naman niya sa mga netizen na nagkokomento at nakikisawsaw umano, "Yun lang naman ang kaya niyong gawin, ‘yung sumasawsaw at mag comment eh, eh kung kayo yung nasa kalagayan ko, kung kayo ‘yung pinagtripan, anong gagawin niyo, magpapasalamat ba kayo? i-ki-kiss niyo sabay hug? Hindi natin dapat kunsintihin ‘yung mga ganon."

1 comment:

  1. Pinanunod qu ang both side ng kanilang video. May kasalanan din c Keifer kase masakit syang mag biro. Below the belt na kng tumira. May kasama pang bad words. Kaya na galit c Kiko. Ang mali lng ni Kiko pinatulan nya agad. Advice qu sau Keifer sana next time pag mag biro ka isipin mu muna. Hindi kase tama mga biro mu. Para walang away.

    ReplyDelete