Grab Food Rider na may Kapansanan, Nagsilbing Inspirasyon sa mga Netizen!



Halos buong mundo ay naapektuhan ng C0VID-19 dahil sa mabilis na pagkalat nito sa iba't-ibang sulok ng mundo. Kaya naman, para manatili ang kaligtasan ng karamihan sa atin ay mayroong mga application kung saan maaari kang umorder ng nasa bahay ka lang.

Ang mga delivery riders ay nagsisilbing isa sa mga frontliner dahil sa kabila ng kinahaharap na pandemyƄ ay nananatili silang magserbisyo sa ibang tao kahit na ito man ay delikado para sa kanilang kalusugan.



Isang netizen naman ang napagpasyahang umorder ng pagkain at ipadeliver sa kanilang bahay. Siya ay si Edmund Gan. Naisip ni Edmund na ipasabit na lamang sa gate ang kanyang order dahil mas makakabuti umano na "contact-free" ang kanilang transaksyon.

Dahil nabayaran na din niya sa mobile app ang kanyang order ay sinabi niya sa rider na isabit na lang sa gate ang plastic na naglalaman ng kanyang order. Ngunit, sinabi ng rider na kung maaari ay lumabas siya at hawakan ang kanyang binili dahil hindi niya kayang gawin ito ng siya lamang mag-isa.


Nagtaka naman si Edmund dahil naisip niya na kaunti lang naman ang kanyang order kaya naisip niyang lumabas. Nang makita niya ang rider ay laking gulat nito na walang kamay at pabiro pang sinabi ng rider sa kanya na hindi niya makikita ang kamay na hinahanap niya dahil wala talaga siyang kamay.

Nakilala ang rider na si Syahrain. Si Syahrain ay nagsilbing inspirasyon sa maraming tao dahil sa kabila ng kanyang kapansanan at dedikasyon sa trabaho kahit na nasa gitna ng pandemyƄ ay patuloy pa din siya sa buhay.

No comments