Delivery Rider pinag-antay ng matagal ng kanyang Customer sa gitna ng katirikan ng Araw!



Isang concerned netizen ang nagbigay ng kanyang saloobin tungkol sa isang rider na nakita niya noong Abril 2 na matagal na naghihintay sa kanyang customer. Nakita niya umano ang eksena na iyon sa harap ng kanilang gate.

Nakita niyang naghihintay ang delivery rider sa gitna ng initan hawak ang maliit na plastic na may laman ng produktong idedeliver sa kanyang customer. Kumakatok umano ang rider ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa ding lumalabas.



"Sa totoo lang sa panahon ngaun napaka helpful ng mga online shops. Mga rider na nag ri-risk ng buhay para wag na tayong lumabas." saad ni Clariss Glorioso na nagbahagi ng larawan.

"Pero nakakalungkot lang na may mga taong walang pagmmalasakit, sana kung alam na COD maghanda ng saktong pera, makkita namn sa apps kung kailan iddeliver ung order mo, so kung ngaun nakalagay at nagmsg na sayo ang courier anticipate mo na anytime of the day pwede na ideliver para makapaghanda ka. Hindi ka na nagpabalik balik, nakasave ka pa ng oras ni kuya. Hindi lang tayo ang ppuntahan ni kuyang rider, marami pa," dagdag pa nito.


Ayon pa sa kanya ay maswerte tayo na nasa bahay lamang at naghihintay na lang ng delivery ng mga essentials at binanggit pa niya ang lugaw na kamakailan lamang ay nagtrending sa Social Media.


"Maswerte na tayong nasa bahay lng hinihintay ung mga kailngan natin, mga essentials sa buhay isama na natin ang lugaw."

"Kaya sana naman bukod sa maging mabait, magalang, matutong magpasalamat para maginhawa ang isip nila sa daan ng malayo sila sa kapahamakan ay magkaroon din tayo ng pagmmalasakit para sa knila," payo niya pa sa mga taong nagpapadeliver.

Sa ngayon ay umabot na ng 13k reactions at 11k shares ang naturang post ni Clariss Glorio. May ilan naman na nagkomento na tama ang sinasabi ni Clariss sa kanyang post.

No comments