Dalaga na Nag-Top 2 noon sa LET Board Exam, Nakapagpagawa na ng Magandang Bahay na Dati ay Barung-Barong Lamang!


Marami na ang nakapagpatunay sa kasabihang 'kapag may itinanim, may aanihin'. Isa na lamang dito ang dalaga na naninirahan lamang noon sa isang barung-barong at ngayon ay nakapagpagawa na ng kongkretong bahay.

Sa pamamagitan ng tarpaulin ay masayang ipinagmalaki ng pamilya ni Iah Seraspi na siya ay nag-top 2 sa Licensure Exam of Teacher o LET Board Exam noong taong 2015.


Halos 6 na taon na ang nakakalipas mula nang siya ay mag topnotcher. Binahagi naman ni Seraspi noong ika-25 kaarawan niya ang malaking pagbabago sa kanyang buhay maging sa kanyang pamilya.

Kwento ni Seraspi, nang lumabas ang resulta noon ng LET ay may natanggap agad siyang 'job offer' Ang trabaho ngang ito ay inalok sa kanya, ng review center na kung saan nga siya nag-review noong panahon na kukuha pa lamang siya ng LET na malaki nga ang naging tulong sa kanya.


Dagdag pa ni Seraspi ay simula ng siya ay maging isang ganap na guro ay unti-unti na niyang nakukuha ang mga pangarap niya gaya ng mapa-ayos ang kanilang bahay dahil nais niyang maging komportable ang kanyang pamilya.

Sa ngayon nga ay nagtatrabaho si Iah Seraspi sa review center na siya ring pinag-reviewhan niya noon. Ito nga ay ang “Carl Balita Review Center” o CBRC.

No comments