Bulag na Lola, Mag-Isang Namumuhay Matapos na Iwanan ng Kanyang Asawa!



Isa sa pinakamahirap na sitwasyon sa buhay ay maging mag-isa lalo na kung mayroon iniindang karamdaman. 'Yung pakiramdam na wala kang mahingan ng tulong at tanging sarili mo lang ang mayroon ka. Lubhang nakakahabag ang makakita ng mga matatanda na mag-isa sa buhay at walang kahit na sinong kamag-anak na nag-aalaga.


Isang facebook post naman ang kumalat sa social media matapos na ibahagi ng isang concerned netizen. Ayon sa kanya, taga-Pinaring Sultan Kudarat daw ang bulag na lola. Wala umanong kamag-anak na nag-aalaga sa kanya at iniwan na siya ng kanyang asawa matagal nang panahon ang nakakalipas kaya mag-isa na lamang si lola sa buhay.

Ayon sa uploader, kapitbahay daw niya si Lola. Nang puntahan daw niya si Lola ay hindi pa daw ito nakakakain dahil wala daw makain ang matanda kaya naman, binigyan niya ito ng makakain.


Nananawagan naman ng tulong ang netizen na ito parra kay Lola, para sa pangkain at panggam0t sana nito. Narito ang buong detalye ng kanyang post:

"Share ko lang po nag iisang matanda sa likod ng bahay namin bago lang kami sa Pinaring kaya ngayon ko lang napansin ang matanda, pinuntahan ko binigyan ng makain dahil hindi pa dwa kumakain. Hindi na po siya mkakita at walang kamag anak iniwan daw ng asawa niya. Akala ko sa facebook lang ako makakita ng ganito. Sana matulungan ng DSWD. Pa share lng po mga pagari ko. Baka may gustong magbigay ng tulong jan pwede nyo po siyang puntahan. Location, PINARING SULTAN KUDARAT MAG. Dela torre po"

No comments