Batang Mangyan, Binigyan ng Full Scholarship Matapos na Mag-donate ng Kamote sa Isang Community Pantry!
"Nakakaantig na kung sino yung inaakala nating pinakanangangailangan ay sila pa yung may bukas na puso para magbigay ng tulong," ayon kay John Christoper lara na nag-upload ng larawan.
Pinuntahan ng Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan executive committee si Ornelo sa kanilang lugar upang ipagbigay alam ang magandang balita. Bibigyan nila ng full-scholarship si Ornelo mula sa pagka-elementarya hanggang makatapos ito ng kolehiyo.
Masayang masaya naman si Ornelo dahil amtutupad niya ang kanyang pangarap na maging 'sir' o guro. "Nakakatuwa pa dahil muli silang nagbigay ng mga kamote para sa Occidental Mindoro Community Pantry na Ngayon ay On Wheels na. Nalaman namin sa nanay niyang si ate Marialyn na galing daw ito sa kanilang taniman at hinanda daw talaga nila ito para ibigay," pahayag ni John Cristoper sa kanyang post.
Dalangin naman ni John Christoper na sa na ay magbunga pa ng biyaya ang kanilang community pantry. "Sana po ay magbunga pa ng mas maraming biyaya ang mga proyektong katulad ng aming community pantry hindi lang dito kun'di sa buong bansa."
Sa buhay, kadalasan na kung sino pa ang walang-wala ay sila pa ang bukas-palad na tumulong sa kanilang kapwa. Nakakatuwa na sa murang edad ni Ornelo ay may angking kabutihan na siya maging ang kanyang pamilya. nawa ay tularan sila ng karamihan dahil mahalaga sa atin lalo na ngayong panahon ng pand3mya ang pagtutulungan sa bawat isa.
No comments