Watch | Idol Raffy , Bibiyayaan ng House and Lot ang 8-Magkakapatid na Iniwan ng Ina at Ulila na sa Ama!


Matatandaan na nag-viral ang larawan ng tatlong taong gulang na bata na kasama ang kanyang wala ng buhay na anak na tila alam ng bata na natutulog lamang ang kanyang ama.


Nakarating naman ang balita na ito sa programa ni Raffy Tulfo. Agarang nagbigay ng tulong ang programa na nagkakahalaga ng P50,000. Ayon kay Raffy Tulfo, nabasa niya ang mga komento ng mga netizens na bakit hindi na lamang bilin ang lupa at patayuan ng bahay para sa 8 magkakapatid na naulila sa kanilang ama at iniwan ng sarili nilang ina na sumama sa ibang lalaki.



Maganda umano ang ideya na bigyan na lamang ng lupa at patayuan ng sariling bahay ang magkakapatid. Nang makapanayan naman ni Raffy Tulfo si Mayor Lemuel Mayrick Acosta ng Oroquieta City, Misamis Occidental, binanggit ni Mayor Acosta na siya na ang bahala sa lupa na pagtatayuan ng bahay ng magkakapatid.


Nagkasundo naman si Raffy Tulfo at Mayor Acosta na ang sasagot ng lupa ay si Mayor Acosta at ang gagastusin sa pang pagawa ng bahay ay si Raffy Tulfo. Samantala, ang pansamantalang tumitingin sa magkakapatid ay ang DSWD kasama ng concerned netizen na si Mercedita Babao Itom na nagpost sa Social Media ng kanilang kalagayan.


Binalaan naman ni Raffy Tulfo ang ina ng 8 magkakapatid na huwag nang babalikan pa ang mga anak sa oras na maipatayo na ang bahay. Hinding-hindi maaari na babalik ang kanilang ina kapag nakita na nitong maayos na ang buhay ng walong magkakapatid na kanyang inabanduna.

No comments