WATCH | Pulis at Kabit Nito, Nahuli sa Akto ng Kanyang Legal na Misis!



Bukod sa mga imbestigador, may isa pang magaling mag-imbestiga at ito ay ang mga misis. Ayon sa kasabihan, sadyang ang ilang kapulisan ay matutulis. Gaya na lamang ng pulis na ito na nahuli sa akto ng kanyang misis sa kanyang pagtataksil at nakuhanan pa sila ng video kasama ang kalaguyo nito.

Sa programang Idol in Acti0n sa TV5, idinulog ni Mary Joy Pescante ang ginawa ng kanyang mister na si PCpI. Ferry Polar Pescante. Nagtaksil umano ang kanyang mister at siya mismo ang nakakita at kumuha ng video sa dalawa.



Nakaramdam si Mary Joy na kutob na may ginagawang mali ang kanyang mister kaya naisipan niyang sundan ito kung totoong trabahao ang pupuntahan nito. "Wife instinct po, Sir. Sabi ko sa mga anak ko, dito muna kayo sa bahay. Susundan ko "yung papa niyo kung talaga bang siya pupunta sa trabaho niya," kwento ni Mary Joy kay Raffy Tulfo.

Makikita din sa video na nagulat ang mister niya na naroon ang kanyang misis. Ayon kay Mary Joy, nagkaroon siya ng kalm0t at ilang gal0s matapos na pagtulungan siya ng mga kaanak ng kabit ng kanyang mister.

Pinuntahan niya ang kanyang mister sa trabaho ngunit hindi niya ito nakita, maging sa baranggay ay wala din. Kaya naman inalam ni Mary joy kung saan maaaring magpunta ang kanyang mister. Nag-arkila pa siya ng motor upang mahanap ang mister hanggang sa may nakapagsabi sa kanya ng bahay ng kalaguyo nito.


Sa pintuan pa lamang ng bahay, may nakabantay ng kapatid umano ng kabit kaya naman naabutan niya ang magkalaguyong natutulog at magkatabi sa iisang kama. Makikita din sa video na nakahawak ang babae sa hita ng pulis.

Pinagtanggol pa ng pulis ang kanyang sari at sinabing hindi niya ito kabit at isang kaibigan lamang. Samantala, nakapagdesisyon na si Mary Joy na lumayas na ang kanyang mister at huwag na muna magpakita sa mga anak nila. Ibibigay naman umano ng pulis ang lahat ng kanyang sahod at magtitira na lamang ito ng pang gasolina ng motor at pangkain na lang.

No comments