Watch | Ivana Alawi, Nagbigay ng Tulong Bukod sa P20,000, Binilhan pa Niya ng Appliances si Tatay Joselito



Naaalala ninyo pa ba ang nakaraang vlog ni Ivana Alawi na may content na "Prank" sa ilang tao. Nagpanggap siya bilang isang pulubi na humihingi ng tulong upang makauwi sa Baguio City. Ang lahat ng tumulong sa kanya ay binigyan niya ng kapalit na reward. Bawat piso na binigay sa kanya ay ginawa niya x1,000.



Isa sa mga tumulong kay Ivana ay ang tindero ng puto at kutsinta na si Tatay Joselito. Matatandaan na hindi napigilang mapaiyak ni Ivana dahil naantig ang kanyang puso dahil sa taglay na kabutihan nito. Binigyan ni Tatay Joselito ng P20 at puto si Ivana. Inalukan din ni Tatay Joselito si Ivana na bibilhan niya ito ng kanyang maiinom.

Hindi na napigilan ni Ivana ang kanyang damdamin at tuluyan na siya napaluha. Binigyan ni Ivana ng P20,000 si Tatay Joselito bilang gantimpala sa kanyang kabutihang ginawa.


Sa kabilang banda, nakuhanan ng video si Ivana habang bumibili ng appliances sa isang store para ibili kay Tatay Joselito. Makikitang kasama din ni Ivana si Tatay Joselito na namimili ng appliances. Ayon sa nagpost, maganda si Ivana hindi lamang sa panglabas ng anyo nito, maging sa kanyang pangloob.

Napakabuti ng kalooban ni Ivana Alawi, nagsisilbi siyang inspirasyon sa mga tao na handang tumulong sa mga nangangailangan gaya na lang ng pagtulong niya kay Tatay Joselito.

Panoorin ang video:

1 comment:

  1. Yes na agad.Will susuportahan ka nmin ng buo kong angkan.kc may mabuti kang kalooban gogogo will..Godbless

    ReplyDelete