Watch! Vlogger na si Billy Jack, sinun0g ang motor ng hindi pa kilalang salarin

 

Nakilala si Billy Jack Sanchez dahil sa video nito na nakikipagtalo sa traffic enforcer kamakailan lang. Bagamat nagkamali, pinipilit na umano niyang magbago at tumutulong siya sa mga kababayan.



Malungkot at may gigil niyang ipinahayag sa kanyang vlog ang nangyari sa kanya noong nakaraang madaling araw. Naliligo umano siya ng may sumisigaw mula sa labas dahil sa nasusunodg niyang motor. Ayon kay Billy Jack,

wala naman siyang maalalang may galit sa kanya bukod sa mga tao sa Social Media na hindi naman alam ang buong pagkatao niya.




Hindi pa nakikila ang salarin ng pasunog ng kanyang motor na ginagamit aniya sa pagpunta niya sa mga lugar kung saan nakatira ang kanyang mga tinutulungan. Binalaan naman niya ang tao kung sino man ang nasa likod ng pagsunog sa kanyang motor.




“Bakit kayo maiingit sa taong nagbabago? Bakit parang gustong gusto niyo masasamang tao yung dating katulad niyo ay hinahatak niyo pababa, ganoon ba talaga kayo kainggit sa mga dating salbahe na kayang magbago? Bakit hindi nalang kayo magbago?

” ani pa ni Billy Jack. Talaga namang nakaramdam ito ng lungkot dahil pinipilit na niyang magbago ngunit may mga tao pa din na hinihila siya maging masama.




Makikita sa video ang mismong actual na naganap noong nasusunog ang kanyang motor at agad naman itong naapula. Makikita din dito na kumikislap ang mga wire na nasa itaas ng motor. Panoorin ang buong video:

No comments