Buko Juice Vendor Ginamit ang kanyang panindang Buko Juice para maapula ang nasusunog na tricycle!
Si Larry Lasaac, 54-taong gulang at isang buko juice vendor, ay nagawaran bilang isang bayani dahil sa pagtulong nito sa pag-apula ng apoy gamit ang kanyang panindang buko juice.
Nakita umano nito ang tricycle driver na nahihirapan sa pag-apula ng apoy kaya naman dali-dali siyang tumulong at ibinuhos niya ang tinda niyang buko juice sa apoy. Lingid sa kanyang kaalaman na nakuhanan siya ng video sa kanyang pagtulong sa tricycle driver.
"Sa tingin ko po, gagawin din naman 'yon ng ibang tao kung sila man ang makaka-engkwentro ng gano'ng sitwasyon," dagdag pa ni Larry.
Dahil sa kabayanihang ipinamalas ni Larry, pinarangalan ito ni Mayor Cesar Ynares, Mayor ng Binangonan, na binigyan ng Certificate of Recognition ng lokal na pamahalaan. Bukod pa rito, pinagpapasa siya ng bio-data sa munisipyo upang bigyan ng trabaho upang makatulong sa pamilya nito.
No comments