Security Guard' Bawang at Sibuyas Lang Ulam para sa Kanyang Tanghalian!


Marami sa atin ang nakakaranas ng kahirapan lalo na sa panahon ngayon na may kinahaharap tayong pandemyå. Karamihan din sa atin ang hindi nakakaranas na makakain ng masarap dahil sa pagtitipid at pinagkakasya na lamang ang kakarampot na kita para makaraos sa pang araw-araw.

Isang larawan naman ng security ang nag-viral sa Social Media matapos mag-ulam ng bawang at sibuyas sa kanyang tanghalian. Dahil sa kanyang kakarampot na sahod at nagpapadala pa sa knayang pamilya ay kinakailangan niya tipirin ang kanyang sarili.


Lubos ang kanyang pagmamahal sa kanyang pamilya dahil halos lahat ng kanyang sahod ay ipinadadala niya sa knayng pamilya. 90 porsento ng kanyang sahod ay para sa kanyang pamilya at ang natitirang 10 poryento ang pagkakasyahin niya pang gastos sa kanyang sarili.


Labis naman na ikinalungkot ito ng mga netizens, sa ngayon ay umabot na ng 20k reactions at 17k shares ang larawan na ibinahagi ng Bukod Borbon Facebook Page.

Marami din sa mga netizens ang nauunawaan ang kanyang sitwasyon dahil naranasan din nila ang ganitong pagtitiis para lamang sa kanilang pamilya.

Ang ilan sa atin ay nagrereklamo pa sa ulam na nasa hapag, isipin na lamang sana na may ganitong klase ng tao gaya ng Security Guard na ito na kahit hindi nakakapag-ulam ng masarap ay hindi siya nagrereklamo dahil ang mahalaga para sa kanya ay makapagpadala sa kanyang pamilya.

No comments