Col. Bosita, Binalaan ni MMDA Traffic Operations Chief Edison Bong Nebrija na Maghanda na ng Abogado.


Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng MMDA o Metropolitan Development Authority ang pagsasampa ng reklamo laban kay retired Colonel Bonifacio Laqui Bosita dahil umano sa pangingialam nito sa mga traffic enforcer. Nakilala si Bosita, founder ng Riders' Safety Advocates of the Philippines, dahil sa pagtulong nito sa mga rider na nahuhuli ng mga traffic enforcer.

Bagamat tumutulong si Bosita sa mga rider, hindi naman nagustuhan ng MMDA Traffic Operations Chief na si Edison Bong Nebrija ang panghihimasok umano ni Bosita sa trabaho ng mga enforcer. Ayon pa kay Nebrija ay walang karapatan na mangialam si Bosita sa trabaho ng mga traffic enforcer.


"Ilabas mo ang batas na nagtatalag sa'yo ng kapangyarihan na pagbayarin ang enforcer namin ang isang araw na sweldo ng hinuli nila, baka usurpation of authority ka boy para iutos at ipilit sa enforcer namin 'yan." Pahayag ni Nebrija sa Facebook post nito.

"Kung may problema ka sa huli namin bilang dating pulis at myembro ng HPG alam mo dapat sa adjudication nireresolba 'yan at wala kang karapatan pakialaman huli ng enforcer namin.

Kapag mali enforcer namin yaan mong yung hearing officer maresolution nyan at 'di ikaw. Eh kung gusto mong maghearing officer, eh mag apply ka sa MMDA at 'di 'yung nagpapasikat ka sa Youtube. Marami ka bang views? Malaki na ba kita? Pangpondo na sa eleksyon? Dapat din daw ay mag apply itong hearing officer ng MMDA kung gusto niya talagang makatulong at hindi idaan sa kanyang mga vlogs ang 'pagpapasikat'." Dagdag pa ni Nebrija. Sa ngayon ay mayroon ng 282k Subscribers at umaabot na ng milyon ang views sa Youtube si Bosita.

"Huwag mong gamitin ang mga pobreng enforcer namin sa pamumulitika mo. Ginagamit mo lang ang riding community para sa political advancement mo, pwede ba?"

"Wala ka pang isang salita sabi mo sa enforcer namin bayaran nya lang di mo na ivavaral video mo, nakiusap pa sayo at umoo ka na naman kasi may pamilya rin yung enforcer. Tapos inupload mo pa rin para magpasikat. Yan ba ang tatakbong partylist walang isang salita?"

"Gamitin mo galing mo huwag ibang tao. Minsan mo pang ulitin yan sa MMDA enforcer namin kahit hindi sa Edsa maghanda ka na ng abugado mo. But wait there’s more: pinaguusapan na ng MMDA Legal Team anong pwedeng ikaso sa pakikialam mo sa ttabaho ng enforcers namin.
"


Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Bosita sa mga sinabi ni Nebrija sa kanya.

13 comments:

  1. Mr.Bong Nebrija,yong mga traffic enforcers nyo po kasi minsan ay sumosobra na sa dunong,dapat din po na pagsabihan nyo sila na ipatupad ng tama ang batas trapiko.

    ReplyDelete
  2. magkano ba cut mo sa bawat huli ng enforcer?

    ReplyDelete
  3. If you stop Col Bosita then marami pa rin ang magpapatuloy sa adhikain niya kasi patas siyang nagpapatupad ng batas, Binigyan niya ng tinig ang walang kalaban-laban na pinaghuhuli na law abiding citizen ng mga demonyo sa hanay niyo na hanggang ngayon di niyo parin nalinis at patuloy na gumagawa ng milagro. I stand with Col. Bosita in all aspect.

    ReplyDelete
  4. No one will help to the poor rider to enforcer just Col. Bosita help poor rider for the law Col. Bosita is correct to support the people NO one else

    ReplyDelete
  5. May kayabangan ka ding bong nebrija ka eh, buti nga si Col Bosita makatao ei ikaw?!!!!! Tang Ina kahit na mahirap na nga yung tao kinukuha nio pa ang mga paninda kahit utang na nga lang sa bumbay yun kumita lang kahit kaunti tapos kayo kinukuha nio lang!kung hindi ba kayo mga dimonyo, subukan mong idimanda cia para magkaalaman kayo, tignan lang natin kung sino magmumukhang tanga, unggoyyyy kayo!....

    ReplyDelete
  6. Suportado ko si Ret.Col.Bosita at tama lng nman aksyon nya sa mga ginagawa nya...dapat kasi yang mga iilang kenkoy na enforcers ng mmda gawin lamang ng tama ang trabaho nila abusado kasi at tila may mga kulang sa kaalaman sa batas kaya sablay!

    ReplyDelete
  7. mali naman talaga angtaohan mo bong,,
    may batas bah na hulihin ang backrider na nka tsinilas?

    ReplyDelete
    Replies
    1. yan nga sila pgtayo mgkamali walang patawad.. e sila qng mgkamali e ok lng sakanila

      Delete
  8. Mag nc2 kayu mga bulok na traffic inporter taga ipon ng kaban ng bayan kaya tayu nag hihirap kayu ang gumagawa ng sariling batas

    ReplyDelete
  9. sir nalalaman ng taong bayan ordinary man o angat sa buhay ang klase ng pag-iisip ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang mga binibitawan na salita sa kapwa nya tao mapaserbisyo publiko man o pribadong tao..tulad nlng ng inyong mga pananalita laban kay retired col. Bosita.
    Ang pag-unlad ng bansa ay hindi sa pamamagitan ng pagalingan o kung sino pinakamaling itlog sa inyo kung di ang paguunawaan at pagttulongan pagpapakumbaba sa isa't isa. mas pupuriin ka pa kung ang sagot mo ay, "ating titingnan kung saan tayo nagkulang sa ating mga hanay." pero hndi kaya sabihin ang ganyan kapag malaki ulo natin at akla natin hari tayo sa kalasada ng metro manila.

    ReplyDelete
  10. bakit halos sa lahat ng comments na binasa ko parang wala pabor kay Edison Bong Nebrija yata ah?

    ReplyDelete
  11. Col.bong nebrija hindi naman pwede hulihin ang naka backride na naka tsenilas tsaka dapat lng mag bayad ang enforcer mo dahil mali na nga huli panindigan nyo pa mas nakaka bubu ka bong nebrija pati naman iba mong enforcer nako puro lng mayabang dahil mayabang ang kanilang chief public service po sir dapat patas yan kasi hirap sa inyo eh lumalaki na ulo tama naman c kernel bosita sa ginawa nya sa ngayon kung wala pa sya eh mas lalo nang maraming naaabuso na kapwa motorista patas po sir mali naman ung tao po dapat pagsabihan at sabi mo pa may pamilya ang enforcer? Bakit lahat nang kinarga nyo at hinuli nang maling systema wala bang pamilya yan? Kaya maraming taong mas matalino kai sa enforcer kaya d nerespeto ang kawani nating enforcers thats my own opinion lng sir col.bong nebrija at sir col.bonifacio bosita

    ReplyDelete
  12. Hindi naman makikialam c col. bosita kung walang humihingi ng tulong, di kasi marunong mag basa ng batas mga enforcer , diko naman nilalaht, merun lang
    Sa mga tao mo, kahit maliit na violition ,di pinapalagpas, huli talaga, pag mali enforcer, eh contest, pano yung abala sa nahuli mababalik pa ba ang nasayang na oras dahil hinuli, ,,
    Sa amin na mga rider, breifingin mo mga tauhan mo sir bong,,,salute col. Bisita,,!! ������

    ReplyDelete