Panoorin! Puto at Kutsinta Vendor na Tinulungan ni Ivana Alawi, Namahagi Rin ng Tulong sa Kapwa Niya Tindero!


Kamakailan lamang ay nag-viral ang video na inupload ni Ivana Alawi sa kanyang Youtube Channel. Matatandaan na nagpanggap si Ivana na isang pulubi at nanghingi ng tulong sa mga tao gaya na lamang ng isang puto at kutsinta vendor na si Tatay Joselito Martinez.

Naging usapan ang pangyayari noong kay Tatay Joselito na ang 'biniktima' ni Ivana sa kanyang 'Prank' dahil naging emosyonal at hindi napigilan na maiyak si Ivana Alawi.


Bumuhos ang luha ni Ivana dahil bukod sa bente pesos na ibinigay sa kanya ni Tatay Joselito ay binigyan pa siya ng puto at in-offeran pa na bibigyan siya ng softdrinks na maiinom niya.

Dahil dito, binigyan ni Ivana si Tatay Joselito ng P20,000 dahil ginawa niyang x1,000 ang bente pesos na binigay sa kanya base sa kanyang content na magiging x1,000 ang anomang halaga na ibibigay sa kanya ng kanyang mabibiktima.



Sa ngayon ay umabot na ng 17M views ang nasabing video. Ilang araw naman ang lumipas ay nagkita din sina Tatay Joselito at Ivana dahil ipinamili pa ni Ivana ng mga groceries at mga gamit sa bahay si Tatay Joselito.


Kumalat naman ang video ni Tatay Joselito na namahagi din ng mga tulong sa kanyang mga kapwa tindero. Makikita sa video kung gaano kabusilak ang puso ni Tatay Joselito dahil nang makatanggap siya ng biyaya ay hindi siya nag-dalawang isip na magbigay ng tulong sa iba.

No comments