Lalaki, Sobrang Payat at Walang Saplot, Nangangailangan ng Tulong!



Marami sa mga Pilipino ang lubusan na naghihirap. Halos walang makain, walang maayos na natutuluyan at ang pinaka mahirap ay walang kasama at mag-isa sa buhay.

Isang larawan naman kumakalat sa Social Media na nakakaagaw pansin dahil lubhang nakakaawa ang kalagayan ng lalaki na ito na si Tata Bards. Mula sa isang facebook post ni Geiazzy Polintan Tabaquin, humihingi siya ng tulong para sa lalaking nasa larawan.






Nananawagan si Geiazzy sa lokal na pamahalaan sa Paniqui na bigyang pansin ang kalagayan ng isang lalaki na walang saplot at lubhang napaka payat. Tila wala din siyang kasama upang nag-aalaga sa kanya.

"Pasensya na po sa maselÄng larawan ni Tata Bards nais ko lang po makahingi ng tulong sainyo hindi pinansyal kundi atensyon o sana mabigyan pansin ang kalagayan nya . Andito po sya sa likod ng stage ng Manaois,Paniqui,Tarlac. Sa mga kinauukulan po Maawa naman po kayo sakanya eto lang po kaya namin itulong . Mayor Max Roxas Vice Mayor Bien Roxas." Ayon sa caption post ni Geiazzy.




Marami naman ang naawang netizens sa kalagayan niya. Karamihan ng komento ay tinatawag ang pansin ng programa ni Raffy Tulfo. Nawa ay makarating ito sa lokal na pamahalaan, sa programang handang tumulong gaya ng Raffy Tulfo in Acti0n at sa mga netizens na may kakayahang tumulong.

Narito ang kabuuang post ni Geiazzy Polintan Tabaquin para sa may nais na mag-abot ng tulong:


No comments