Panoorin! Ivana Alawi, Hindi Napigilang Maiyak sa Kabutihang Pinakita sa Kanya ng mga Pinoy sa Kanyang Prank



Sa panahon ng pandemya, kailangang mag tulungan ang bawat isa sa atin. Marami sa mmga pilipino ang lalong naghirap dahil sa kinahaharap nating pandemya.

Isang vlog naman ang ibinahagi ni Ivana Alawi nitong Marso 14 kung saan nagbago siya ng kaanyuaan bilang isang pulubi. Nagpanggap ito na namamalimos upang makauwi sa Baguio. Sa video ay makikita na may mga hindi nagbigay, mayroon din ang nagtaboy at may mga nagbigay din ng barya sa kanya.




Sa kanyang content, ang mga nagbigay sa kanya ng barya ay magiging x1,000. Isa sa pinaka hindi nakalimutan ni Ivana ay ang tindero ng puto at kutsinta na si Tatay Joselito na 58-taong gulang. Nagbigay si Tatay Joselito ng puto at bente pesos, nag-alok pa ito na bibilhan pa niya si Ivana ng maiinom.

Tuluyang bumuhos ang luha ni Ivana dahil sa kabutihan ng mga Pinoy lalo na kay Tatay Joselito. Kapos man ngayon ang karamihan sa atin, marami pa din ang tumutulong sa simpleng tulong malaki man o maliit.


Nauuso sa Social Media ang content ito na kung tawagin ay "Social Experiment", ngunit kakaiba ang ginawa ni Ivana dahil sa simpleng pag tulong sa kanya ay x1,000 naman ang kapalit nito.

Maaalala na marami na din natulungan ang sikat ng vlogger na si Ivana gaya na lamang ng mga delivery drivers na binigyan niya ng pera at helmet bilang tulong sa mga nagsisilbing front liner dahil sa pagbibigay nito ng serbisyo sa mga tao.

Hinangaan ang kabutihan ni Ivana ng mga netizens at sana daw ay marami pa siyang matulungan na tao.

2 comments:

  1. Yun nanampal dahil walang face mask baka walang panbili dapat binigyan niya hindi dapat sa Palin ang taray naman Nong babae na nyun siya kaya ang masampal

    ReplyDelete
  2. You made me cry idol Ivana,,, God Bless you more..

    ReplyDelete