Isang lalaki na ninakåwan ng sidecar, kinakailangan ng agarang tulong dahil sa kanyang iniindang såkit


Isa sa pinaka mahirap na pagsubok sa buhay ay ang mawalan ka ng tirahan. Tirahan na mauuwian mo kapag natapos sa hanapbuhay, tirahan na matutulugan at masisilungan kapag umuulan, tirahan na magsisilbing proteksyon mo sa bahay, sa init man o sa ulan, sa mga masasamang tao. Ngunit paano kung ang nagsisilbi mong tirahan ay mawala sa'yo? Narito ang isang kwento ng lalaking nawalan ng ikinabubuhay at tirahan.



Mula sa facebook post ng concerned netizen na si Angelita Florita, isang nakakaawang lalaki ang nakita niya na nangangailangan ng agarang tulong. Ang nakakaawang lalaking ito ay si Aman. Ayon kay Arman ay ninakåw ang kanyang Sidecar na nagsisilbi niyang tirahan. Si Arman ay wala din umanong kamag-anak sa Maynila kaya naman mahirap para sa kanya ang mawala ang kanyang sidecar na tanging ikinabubuhay niya upang makakain sa pang araw-araw.



Ngunit talagang may masasamang tao sa mundong ibabaw, bukod sa ninakåw ang kanyang sidecar ay binagsak ang katawan niya sa semento na nging dahilan upang hindi siya makatayo dahil sa iniinda niyang såkit sa bandang likuran niya ta leeg niya na makikita sa larawan na may marka pa ng pamamaga.



Kinakailangan ni Arman ng agarang tulong upang mapagamot ang liod at leeg niya upang makatayo at makalakad na siya. Narito ang kabuuang hayag ni Angelita Florita:


No comments