Dahil Naka-lockdown ang kanilang Barangay, Si Kapitan ang nangongolekta ng Basura ng mga Residente!
Ayon sa netizen na si Janeel Basco Abrea na nag-post ng larawan ng kapitan sa Social Media, saludo siya sa ginagawa ng kanilang kapitan dahil sa pagbabahay-bahay nito upang kumolekta ng kanilang mga basura.

"Big salute sa chairman namin Bong Viray ng Barangay 374, Manila. Dahil bawal kaming lumabas, siya na mismo kumukuha ng basura sa bahay-bahay," pag-saludo naman sa kanya ng netizen.

Sa kabilang banda naman, makikita din sa larawan na siya lamang ang tanging tao dahil walang pakalat-kalat na tao sa kanyang nasasakupan. Kapansin-pansin ang kalinisan ng lugar maging ang pagiging masunurin ng mga residente dito na hindi lumalabas dahil sila ay naka-lockdown.
Marami naman sa mga netizens ang humanga sa kapitan na ito. Sumasaludo sa kanya at sana daw ay tularan ang kagaya niya ng mga kapwa niya namumuno.
No comments