Isang British National, Hinahanap ang Dating Kaibigang Pinoy Upang Pamanahan ng Yaman!



Mula sa programa ng Kapus0 Mo, Jessica Sojo ay pinakita ang larawan ng isang british national na hinahanap ang kanyang kaibigang Pinoy. Humihingi ito ng tulong na hanapin ito.

Ang british national na nagmula sa Birmingham, England na si Verne ay naging malapit sa kanya ang dating kaibigan na si Mar. Nakilala niya ito sa Libya maraming taon na ang nakakalipas.

Sa isang restaurant daw nagtatrabaho si Mar noong taong 1979 o 1980. Masayahin daw umano si Mar na nagtatrabaho.



“I met Mar when I was in Libya. That was around 1979 or 1980. He used to serve in a restaurant. He always had a cheery face,”
 ayon kay Verne.




Naging matalik silang magkaibigan noon ngunit naputol ang kanilang ugnayan ng magkahiwalay sila. Noon daw ay sumusulat pa sa kanya si Mar ngunit dahil sa hindi marunong magsulat si Verne ay hindi ito nakakasagot sa mga padalang sulat nito.

“We became really good friends. We haven’t been in touch since. Mar wrote to me, but since I can’t write, I never responded. The letters eventually stopped coming, too. But I genuinely wanted to go and visit him in Manila,” dagdag pa niya.

Habang naglilinis, isang beses daw ng makita niya ang mga sulat at larawan na ipinadala sa kanya ni Mar. Humingi umano siya ng tulong sa mga kakilalang Pinay sa England para makita ang kanyang kaibigan.


Gusto umano niyang malaman kung ano ang kalagayan ng kanyang kaibigan. Ani pa niya, isinama daw niya si Mar sa kanyang last will and testament dahil kamakailan lamang ay nalaman niyang may karamdaman siya sa pr0state.

“This got me thinking that I should give a part of what I have to someone that deserves it. And that’s Mar,” sabi pa niya.

Maraming netizens naman na humihiling na sana ay matagpuan na niya ang kanyang kaibigan.

No comments