Dalawang Matandang Magkapatid Asukal Lamang ang Ulam!


Isang lalaki na nag-census sa lugar ng Altavas, Aklan ang nagpost tungkol sa matandang magkapatid na ang ulam lamang ay asukal. Naninirahan umano ang magkapatid sa bundok. Naabutan umano ng lalaking nagcecensus na kumakain ang magkapatid ngunit asukal lamang ang tanging ulam ng dalawa. 

Dahil dito, naisipan niyang i-post sa Social Media ang kanilang sitwasyon upang manawagan ng tulong para sa dalawang matanda.Mababakas sa kanila ang kahirapan dahil bukod sa malayo sa mga kabahayan ay wala sila pinagkukunan ng pagkain.

Sa kabutihang palad, unti-unting may mga nagpaabot ng tulong. Isa na rin sa tumulong ang vlogger ng Aklan na si Archie Hilario.

Bukod sa grocery items at tulong pinansyal ang inabot ng vlogger, nagbigay din ito ng kubo na magsisilbing tirahan ni Lolo Gwalberto dahil sira-sira na umano ang tinitirhan niya samantala si Lola Flor ay pinagawa ng bahay ng kanilang ibang kapatid.

Mayroon ding nag-abot ng tulong galing sa mga nakasubaybay sa Youtube channel ni Archie. Nabigyan din ang magkapatid ng P8,000 bilang tulong. Isang negosyante din ang nag-abot ng tulong sa kanilang dalawa.

No comments