"Ayoko kasi may edad na rin si Gerald sayo." Prangkang komento noon ng Ina ni Gerald, Pinag-usapan Muli


Maaalala nanaging mainit ang isyu tungkol sa tatlong aktor at aktres. Naging usapan kamakailan ang pag-amin umano ng aktor na si Gerald sa kanyang interview kay TV Host Boy Abunda tungkol sa kanilang relasyon ni Julia Barretto. Napag-usapan din sa interview ang tungkol sa "pang-gogost" di-umano ni Gerald Anderson kay Bea Alonzo dalawang taon na ang nakakaraan.


Sa Social Media ay muli namang pinag-usapan ang prangkang komento noon ng ina ni Gerald Anderson na si Evangeline Opsima tungkol kay Julia Barretto at Bea Alonzo. Umagaw ito ng atensyon sa mga netizens sa mga naging pahayag nito sa babaeng na-link umano sa kanyang anak na si Gerald.

Mula naman sa panayam noon sa ABS-CBN ay sinabihan noon ni Evangeline Opsima si Julia ay malayo ang agwat ng edad para sa kay Gerald. Sinabi nito na hindi siya kumpiyansa na magtatagal ang relasyon ni Julia at Gerald.


Prangka namang ipinahayag ni Evangeline, "Julia, hindi ibigsabihin hindi kita gusto, bata ka sa anak ko, baka ilang taon lang, wala na rin. O maybe three months, wala na kayo."“Hindi ko sinasabing ayaw kita, no, ang akin lang, ang advice ko lang sayo, please, ayoko kasi may edad na rin si Gerald sayo. Hindi rin kayo magtagal kasi alam ko, nasa industriya ka rin. Alam ko yung relasyon laro lang.” dagdag pa ni Evangeline.

Naging mainit din ang pahayag ni Evangeline para kay Bea Alonzo.

Ayon kay Evangeline, “Bea, siguro alam mo na ako, walang gusto sa’yo bilang naging girlfriend ng anak ko. Pero wala akong magagawa, ginusto ka ng anak ko. Ina niya lang ako.”

“Lagi mong pinapatamaan ang anak ko. Ano na ba kasama si Gerald?” dagdag pa niya.

Maaalala na naging laman ng mga pahayagan ang love triangle issue sa tatlong artista noong 2019.

1 comment:

  1. Grabe nman. Hndi mtinong kaibigan yang mga ksamahan mo. Ipapahamak kpa tlga

    ReplyDelete