Lola na Dinala sa Ospital Dahil na-Stroke, Bigla na Lamang Iniwang Mag-Isa





Ayon sa facebook post ng isang concerned netizen na si Gio Rafael Enriquez, noong Pebrero 21, 2021 ay nakita nya ang isang matandang babae na si Margarita Gamban Diaz, 81-taong gulang sa Bulang Medical Center.

Makikita sa mga larawan na talagang mahirap ang kalagayan nito. At ang pinakamahirap sa kanyang sitwasyon ay wala manlang siyang kasama at tumutulong sa kanya, siya lang mag-isa.



Ang matanda ito ay kasalukuyang naka-admit sa ospital dahil iniwan siya dito mag-isa. Ang nagdala sa kanya sa ospital ay isa sa kanyang mga kapitbahay sa Malhacan, Meycauayan, Bulacan. Iniwan na lamang ang nakakaawang matanda ng walang impormasyon manlang. Si Margarita ay na-stroke.



Sa mga nakakakilala sa kanya at sa mga may nais tumulong, makipag-ugnayan na lamang sa Social Service ng Bulacan Medical Center.

Narito ang orihinal na post ni Gio Rafael Enriquez:

"Magandang gabi po. Siya po si MARGARITA GAMBAN DIAZ 81 yrs old, iniwan sa Bulacan Medical Center noong feb 21, 2021. Siya po ay na stroke at kasalukuyan po siyang nakaadmit dito sa hospital. Siya po ay dinala ng kanyang kapitbahay na taga Malahacan Meyc Bulacan at bigla na lang pong iniwanan ng wala ng ibang impormasyon. Kung mayroon man pong nakakakilala sakanya maari lamang po na makipag ugnayan sa Social Service ng Bulacan Medical Center. Salamat po."

No comments