Lalaking Nagbanta na Ihahagis ang Hawak na Granada sa FB Story, Nahuli ng mga Pulis



Isang lalaki sa Pateros, arestado matapos mag-post sa Facebook Story o Myday na may hawak-hawak na gran@da at may pagbab@ntang "Pag ako naburyo hahagis ko to damay damay na to"

Ang mga pulisya ng Pateros ay hinanap ang suspek sa tulong ng Intelligence Network. Natagpuan ang suspek na kinilalang si Eddie Boy Cervales, 35-taong gulang sa Purok 12, Brgy. Sta. Ana. Makikita sa larawan ang kanyang post sa Myday:



Ang ugat ng kanyang pag-post sa Myday ay selos sa kanyang nobya matapos makitang may iba itong ka-chat. Nakumpiska naman ng Pulisya ang gr@nada na ani ni Cervales ay ipinapabenta lamang ito sa kanya. Ayon naman sa Pulisya ay maaari pa rin itong sumab0g kahit na ito ay luma.



Pinagsisisihan naman ng Suspek ang kanyang ginawa at inamin din nito na nakain0m siya nang ito ay mag-post. Ang suspek ay nahaharap ngayon sa reklamong Il1egal Possesion of Explosives.

No comments