Buko Vendor, Ginawang Pang-Apula ng Apoy ang Tinda niyang Buko Juice
Isang nagtitinda ng buko ang hindi nag-dalawang isip na ibuhos ang kanyang tindang buko juice sa nasusunog na tricycle sa kanyang harapan.
Ayon umano sa vendor ng buko ng si Larry Lasac,tumigil umano sa tapat niya ang isang tricycle na nagliliyab ang makina at nang walang maibuhos na tubig ang driver ay ibinuhos niya ang tinda niyang buko juice upang maapula ang apoy.
Dahil sa pinakitang malasakit ni Larry Lasac ay binigyan siya ng pagkilala ng LGU at binigyan din siya ng financial assistance.
"Nagpapasalamat po sko sa nagpakalat nung video dahil hindi ko inaasahan na mangyayari yun eh, balewala na sa akin yun."- pahayag pa ni Larry Lasac.
PANINDANG BUKO JUICE, PINANG-APULA SA SUNOG
To the rescue ang isang magbubuko sa nasusunog na tricycle sa Binangonan, Rizal.
Habang tila natulala ang ibang tao sa paligid, kinuha ng magbubuko ang paninda niyang buko juice at ito ang ibinuhos niya sa apoy!
Naapula na niya ang sunog bago pa dumating ang mga bumbero at rescuers.
No comments