Anak ng Isang Mananahi, Nag-Top 1 ng Dalawang Beses sa Board Exam
Isang anak ng mananahi ang dalawang beses naging Top 1 sa board exam noong 2011 at nitong nakalipas na Physician Licensure Exam.
Para sa isang magulang, walang katumbas na halaga ang makita ang kanyang anak na makamit ang tagumpay na pinakamimithi nito. Lalo na kung ang bagay na napagtagumpayan ay puno ng pagod at hirap.
Para sa isang magulang, walang katumbas na halaga ang makita ang kanyang anak na makamit ang tagumpay na pinakamimithi nito. Lalo na kung ang bagay na napagtagumpayan ay puno ng pagod at hirap.
Si Jomel Lapides, ang lalaki na ngayon ay isa nang ganap na doktor, ay proud na anak ng isang housewife at tatay na mananahi na dati ay naging construction worker din.
Pagbabahagi ng bagong doktor, bukod sa kanyang puspusang pag-aaral ay taimtim rin nyang ipinagdasal na makapasok kahit sa top 10 lang. Ngunit higit pa dito ang natanggap nyang biyaya.
“Sobrang unexpected and surpised at talagang thankful lang talaga kay Lord. I prayed at least makapasok ako sa Top 10. Si Lord po iba yung binigay lagpas-lagpas,” aniya.
Ibinahagi nya rin ang ilan sa mga hinarap nyang pagsubok kapalit ng kanyang pinakamimithi.
"Dati nanghihiram pa ako ng funds. Tapos nag-try ako mag-apply sa ibang work para habang naghihintay ng nursing board, nag-work ako as a tutor, kahit papano kumita na," kwento nya.
Payo ng binata, “Talk to the Lord and tiwala lang sa kaniya. Have faith. Siya yung ground and source ng strength. And also solicit the help of your family and your friends and get your inspiration from them. Really know yourself and set your goals po.”
Nabanggit rin ng pinagpalang binata na nagtapos bilang cum laude sa UP College of Medicine na balak nyang ipagpatuloy ang kanyang sa ophthalmology.
Congratulation, I hope you can save many lives and a good example as a physician, wishing you a good health.
ReplyDelete