Ama ni Manilyn Reynes na si Nelson Reynes, Pumanaw na


Pumanaw na ang ama ni Manilyn Reynes na si Nelson Reynes at humihingi ng taimtim na dasal si Mane para sa kanyang Ama.

Ipinost ng aktres ang litrato nila ng amang si Nelson Reyes sa IG at nilagyan ng caption (sa salitang Cebuano) na, “Pahuway na, Dy. Wa nay sakit ug ka-lisud para kanimu. Pinangga kaayo ta ka.


“Namu nilang Aljohn, Kyle, Kirk ug Kael. Love you very much. We all love you very much,” 
aniya pa.

Nito lang nagdaang Biyernes, nakiusap pa si Mane (palayaw ng aktres) sa kanyang mga social media followers na mag-alay ng taimtim na dasal para sa kanyang tatay.

“Please help us pray for Daddy.

Salamat po,”
 aniya gamit ang hashtag #prayersfordaddynelson.

Ipinost din niya rito ang isang Bible verse (Isaiah 41:10), “So do not fear, for I am with you: do not be dismayed for I am your God.

“I will strengthen you and help you: I will uphold you with my righteous right hand.”


Sa pagkakaalam namin, matagal nang may sakit ang ama ni Manilyn pero talagang lumalaban ito kaya tumagal pa ng ilang taon ang kanyang buhay.

Bumuhos naman sa IG account ni Mane ang mga mensahe ng pakikiramay mula sa kanyang mga fans at ilang kaibigan sa showbiz kabilang na sina Janno Gibbs, Arthur Solinap, John Feir, Jackilou Blanco at marami pang iba.

No comments