any

PANOORIN!!! | Pasaherong Nag-Amok, Sinunog ang Sinasakyang Bus, Dalawa ang Nasawi


 Dalawang tao ang nasunog sa loob ng isang bus matapos mag-amok ang isang sakay nito sa Quezon City

Isang malagim na insidente ang nangyari kanina sa Fairview, Quezon City nitong Linggo.

Dalawa ang binawian ng buhay matapos masunog ang isang pampasaherong bus.

Lalo pang nagimbal ang mga netizens matapos ikuwento ng ilang pasahero na nakaligtas sa sunod ang dahilan kung bakit nangyari ang insidente.

Sa isang pahayag ay sinabi ng isa sa mga pasahero na si John Adolph Pagaduan na ang isa sa mga sakay ng nasabing bus ay nag amok.

Ibinuhos diumano ng nasabing pasahero ang isang likido sa unahan ng bus saka ito sinilaban.

Hirap naman makalabas ang mga pasahero dahil nag umpisa ang sunod malapit sa pintuan ng bus.

“Salamat Diyos at nakaligtas kami ng asawa ko diyan, mayroong isang lalaki na nag amok diyan, nag hagis ng gas at sinilaban yung bandang unahan ng bus, kaya hirap makalabas. Salamat sa Diyos nailigtas kami,” ani John Adoph Pagaduan.

No comments