Nanay na may Sakit, Hinahanap at Humihingi ng Tulong sa Kanyang mga Anak


Isang babaeng may sakit ang humihingi ng tulong at hinahanap ang kanyang mga anak dahil mayroon umano siyang sakit.

Ayon sa post ni Temoteo Samson, nakakaawa umano ng kalagayan ng isang Ina dahil may sakit ito at sana makarating ang post na ito sa mga anak para masamahan ang kanilang Ina.


Wala umanong maayos na matulugan ang babaeng ito at may nararamdaman pang sakit na wala man lang umano nag-aalaga sa kanya.


Sa huling sandali ng lakas ni Nanay ay gusto niyang makita ang kanyang mga anak at makapiling ang mga ito bago siya mawala.

Ang nasabing babae ay si Elena Gutlay Miranda, sana ay matulungan ng mga may mabubuting kalooban.


Narito ang kabuuang post ni Temoteo Samson sa kanyang Fb account,


Pls po, makikishare po para mkarating sa kanyang mga anak, kaawa po sya ngaun dahil me sakit sya, kailangan po nya ng kalinga ng mga anak...ala sya matulugan, ala kumakalinga sa knya,,para sa huling sandali ng kanyang lakas mkakita man lang sya ng knyang mga anak at ng matulungan! Elena Gutlay Miranda po name nya...

No comments