any

Matandang Lalaking may Sakit, Humihingi ng Tulong Matapos Iwanan ng Kanyang mga Anak



Isang matandang lalaki ang humihingi ng tulong dahil wala umano itong makain matapos siyang iwanan ng kanyang mga anak.

Ayon sa post ni Admin-creator Panyer, humihingi umano ng tulong si tatay Rodolfo Aquino na taga purok maganda palanas paracale cams norte.

Mag-isa na lamang sa buhay si Tatay Rodolfo matapos siyang iwan ng kanyang mga anak at wala na umanong asawa.


Hindi umano makapaghanapbuhay si Tatay dahil mayroon siyang iniindang sakit kaya humihingi siya ng kaunting pagkain at gamot.

Sana may mga taong mabuting kalooban ang tumulong kay Tatay o puntahan siya para sa iba nitong pangangailangan.


Narito ang kabuuang post ni Admin-creator Panyer sa kanyang Fb account,

Isang mapagpalang araw po sating lahat.


Sya po si Rodolfo Aquino nag iisa lang po sya. walang asawa at iniwan na ng mga anak. Sya po ay taga purok maganda palanas paracale cams norte. Na Minsan na po nating matulongan. Ngunit sa muli po ay humihingi ng kaunting tulong dahil sa sya po ay my sakit.


Kahit pagkain po at pambili ng gamon.

Maraming salamat po sa sainyong pag tugon at kahit sa share manlang po matulongan natin.

Pagpalain po tayo ng diyos.

No comments