any

Pulis na Namaril sa Mag-Ina sa Tarlac, Marami ng Naging Kaso ngunit na-Dismissed lahat



Isang pulis na namaril sa mag-ina sa Tarlac ay nagkaroon na rin ng ibang kaso noon ngunit na dismissed lamang ang mga ito.

Makikita ang mga naging kaso ng pulis na si Jonel Montales Nuezca mula 2010 hanggang 2019 ngunit napapawalang sala ito dahil kadalasan ay nadi-dismissed ang kanyang mga kaso.


Ang huli ay ang nag-viral na video kung saan wala niyang awang pinagbab.aril ang mag-ina dahil lang umano sa ingay ng paputok na boga.

“Ang nangyari daw may nagpapaputok ng boga. Pumunta siya (Nuezca) doon, sinita niya, nagkasagutan daw sila ng biktimang lalaki. Nung nagsasagutan sila, inaawat na ng matanda (Sonia), makikita sa viral video and then hanggang humantong sagutan sa anak niya at ‘yung matanda. ‘Yun na ‘yung nag-trigger sa kanya, nawala siya sa pag-iisip,” saad ni Paniqui Police Chief Lt. Col. Noriel Rombao


“More than a year ago nang magkaroon sila ng away, land dispute, right of way, hanggang kahapon nung pumunta ‘yung pulis dahil sa pagpuputok ng boga, naungkat ulit ‘yung matagal na alitan na,”
 dagdag pa ni Rombao.

1 comment: