Pangulong Duterte, Matagal nang Nagpapadala ng Monthly Financial Support kay April Boy Regino




Matagal na palang tinutulungan ni Pangulong Rodrigo Duterte si April Boy Regino sa mga gastusin nito ayon sa asawa ni April Boy.

Noong Lunes, Nobyembre 30, ay nagpasalamat si Madelyn Regino, ang asawa nang namayapang singer na si April Boy Regino sa mga supporters ng kanyang asawa at lalo na kay Pangulong Duterte para sa tulong medikal na ipinagkaloob sa "Di Ko Kayang Tanggapin" singer-songwriter bago ito pumanaw.


Ayon kay Madelyn, nagpadala si Pangulong Duterte ng buwanang tulong pinansyal para sa mga maintenance medicines ni April Boy mula pa noong siya ay alkalde ng Lungsod ng Davao. 

Narito ang kabuuang post ng asawa ni April Boy Regino na si Madelyn Regino sa Fb account nito,


Maraming Salamat sa aming Mahal na Mahal na Pangulo Duterte na Mula Noon Hanggang Sa Huling Laban Ng Buhay Na Aking Mahal na Mahal na Asawa Idol April Boy Regino ay hindi niya ito binitawan.


Sa hindi po nakakaalam si Tatay Digong po ang nagbibigay buwan buwan para sa maintenance ng mga gamot ni Idol, simula pa nun Mayor pa lang siya hanggang sa naging Presidente na siya.

Gayundin sa aming Mahal na Senator Bong Go at sa lahat ng nakiramay sa unang gabi at sa lahat ng nakikisampatiya sa fb,messenger, celpon, you tube,mga babasahin at sa ibat ibang programa sa telebisyon at radyo na binigyan siya ng tribute Maraming Salamat po ❤


Idol April Boy Regino funeral wake @ Idolstar 160 M.H Del Pilar Street Kalumpang Marikina City

*for those who wants to visit please wear you face mask 🙏

No comments