Lalaking Naglalakad mula Rizal Hanggang Makati sa Paglalako ng Unan, Nakatanggap ng Pamasko
Isang lalaking naglalako ng unan mula Rizal hanggang Makati ang nilalakad ang binigyan ng maagang pamasko ng isang Vlogger.
Ang kapaskuhan ay araw ng pagbibigayan at pagmamahalan. Wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam ang makatulong sa ating kapwa.
Ang mga ngiti ng bawat isa ay nakakataba ng puso dahil alam nating masaya sila sa anomang natanggap nilang regalo.
Samantala, isang tindero ng unan ang nabigyan ng regalo bago pa man sumapit ang araw ng pasko. Kinilala ang tindero na si Oman.
Ayon kay Denso, talagang naghahanap raw siya ng taong matutulungan sa araw na iyon. Habang siya ay nagmamaneho ay nadaanan niya ang tindero na si Oman.
Kwento ni Oman, sa kanyang buong paglalakad ay isang unan pa lamang ang kanyang naibebenta. Ang napagbentahan niya ay naibili na rin niya ng kanyang pagkain.
Ayon kay Oman, minsan na rin siyang naloko ng isang matandang babae dahil peke umano ang ibinayad sa kanyang P500 pesos. Wala na umanong nagawa ang tindero kundi manlumo na lamang sa nangyari.
Dito na bumili si Denso ng isang unan bilang souvenir. At nang akma ng aalis ang tindero ay pinigilan siya ng vlogger at sinabing may ibibigay siyang regalo.
Mapapansin kay Oman ang pagkagulat at saya. Binigyan siya ni Denso ng pera at sinabing pambibili umano niya ito ng bigas at cake para sa anak ng kanyang kapatid na magbibirthday.
Kitang kita sa mukha ni Oman ang labis na tuwa sa natanggap na tulong. Aniya 20 years na siyang nagtitinda ng unan at ngayon lamang siya nakatanggap ng malaking biyaya.
No comments