Gumagawa ng Parol, Napaluha Matapos hindi Kunin ng Kanyang Buyer ang Pinagawang Parol na Nagkakahalaga ng P100k


Isang tindero at gumagawa ng parol ang napaluha matapos na hindi kunin ng kanyang buyer ang pinagawa nitong mga parol.

Ayon sa post ni Arlene Simon, may nagpagawa umano ng mga parol na nagkakahalaga na aabot sa Php100,000 ngunit hindi umano ito kinuha ng kanilang buyer.

Dahil sa nangyari ay napaluha na lamag ang may-ari dahil pinangutang lamang nito ang kanyang pinuhunan sa paggawa ng mga parol.


Kawawa naman si manong dahil sa sobrang dami ng parol na pinagawa sa kanya ay hindi niya alam kung paano maibebenta lahat iyon.

Narito ang post ng isang Netizen,


"Napaluha ang isang tindero ng mga parol matapos hindi kunin ng buyers ang pinagawa nitong mga Christmas Parols. Ayon sa naturang uploader aabot sa 100,000 ang halaga lahat ng Christmas Parols."


Makikita sa larawan na napapaluha na ang may-ari na si Maximino Simon, sa mga taong may mabuting loob ay bumili lamang ng parol kay manong upang kahit papaano ay makatulong sa kanya.

Narito ang post ni Arlene Simon sa kanyang Fb account,

"Dina kukunin yan ng buyer sayang 100k lahat ng bayad yan paano na ako baon nanaman ako sa utang"

No comments