any

Grade 9 Student na Nag-Aaral habang Nagtitinda ng Prutas, Hinangaan ng mga Netizen



Isang lalaking vendor ng prutas ang pinag-sasabay ang kanyang paglalako at kanyang online class para makatapos sa pag-aaral.

Ayon sa post ni Benj Gonzales, nakilala niya si Mike na isang Fruit Vendor na may dalang laptop at module habang nagtitinda ng prutas.

Ayon umano kay Mike ay isa siyang Grade 9 student sa Valenzuela National High School nagpupursige at nagsususmikap na mag-aral para makapag-tapos ng pag-aaral.



Sabi ni Gonzales na nakaka-inspire umano ang binatilyo dahil sa pinapakita nitong kasipagan at magalang pa umano ito.

Ipinost umano ni Gonzales ito upang kapulutan ng aral ng ibang kabataan na kahit anong hirap ng buhay ngayong may pandemya ay maraming paraan upang makapag-tapos ng pag-aaral.


Narito ang kabuuang post ni Benj Gonzales sa kanyang Fb account,

Warning: Long read hehehe

Namelengke ako kanina sa Marulas Public Market Valenzuela City. Kay mahal talaga ng mga bilihin. Nasa check list ko ang bumili ng prutas para sa asawa kong buntis. Ang mahal ng prutas sa loob ng market kapresyo ng savemore. Naisipan kong bumili na lang sa labas sa mga naka kariton. Nde ako nagka Mali mas mura nga kesa sa loob ng palengke. Nakilala ko tong batang tong si Mike isang vendor ng prutas. Na curious ako kung bakit sya may laptop. Sabi nya nagoonline class daw sya. Nakita ko din yung mga module nyang madami at makapal na stack ng papel. Napa wow talaga ako sa kanya at data lang sa cellphone ang gamit naka Hotspot lang laptop nya. Grade 9 sya sa Valenzuela National High school. Sa gitna pandemic at mga nangyayaring hindi maganda sa mundo ngayon dahil sa pag taas ng mga bilihin, kahirapan eto pa rin si Mike pa tuloy na nagpupursige at nagsusumikap at nag aaral habang nagtitinda sa gitna ng taas ng araw. Nakaka inspire etong batang to kase may mga ibang batang kumportable sa kanilang bahay malakas ang wifi at iba naka aircon pa eh na gagawa pang magreklamo sa dami ng module na kanilang sinasagutan. Nakaka tuwa tong batang to bukod sa magalang na masipag pang magaral habang nagtitinda. God bless you and your family. Ipagpatuloy mo yan I'm sure malayo ang mararating mo sa buhay. Dasal at sipag lang kaya mo yan. Hindi ko to pinost para magpaka trending kundi, sana ay kapulutan ng aral at inspirasyon ng mga ibang bata. Maging thankful na lang kayo na kumportable kayo sa mga bahay nyo.

Mike, bukas ang aming tahanan kung kailangan mong maki wifi. Mabuhay ka!

No comments