Batang Pulubing Hirap Huminga Dahil sa Karamdaman nito, Kailangan ng Agarang Tulong


Isang batang nanlilimos at wala umanong damit ang mukhang hirap huminga at malaki ang tiyan at kailangan tulong dahil nanghihina na ito.

Ayon sa post ni Jayson Cinco Noynay, nakita nito ang isang batang pulubi na nakasandal lang umano sa gilid ng kalsada na walang damit.

Ang nasabing bata ay may dinadamdam na sakit dahil namamaga ang tiyan at mukha ng bata at mukhang hirap huminga.


Ayon pa kay Noynay ay kung mayroon taong magandang loob na tulungan ang bata ay agad itong ipa-check-up upang malaman at maagapan ang sakit nito.

Palagi umanong nanlilimos ang bata sa Park in Fly Stop Light sa Parañaque along Airport Road.


Narito ang kabuuang post ni Jayson Cinco Noynay sa kanyang Fb account,

PTPA PO pakikalat naman po tong picture na to baka may makatulong po sa batang to may sakit po sya hindi ko lang po alam kung ano para sana mapa check up sya .. dito po palagi yan nanglilimos sa park in fly stop light sa parañque alang airport raod.. lumalaki po ung tyan nya at namamaga ung mukha hirap pong huminga.. sana po matulungan to bago mahuli ang lahat...

No comments