Batang Hapon na Nagpupulot ng Basura sa Isang Beach sa Pangasinan, Hinangaan ng mga Netizens
Isang batang hapon ang nagpakita ng malasakit sa ating kapaligiran matapos nitong pulutin ang mga basurang nakakalat sa isang beach sa Pangasinan.
Isang Japanese boy ang umantig sa puso ng mga netizens matapos kumalat ang mga larawan nito sa social media na nagpupulot ng mga basura katulad ng balat ng candy at plastic cups na iniwan ng mga taong namasyal sa beach ng Alaminos, Pangasinan.
Isang Japanese boy ang umantig sa puso ng mga netizens matapos kumalat ang mga larawan nito sa social media na nagpupulot ng mga basura katulad ng balat ng candy at plastic cups na iniwan ng mga taong namasyal sa beach ng Alaminos, Pangasinan.
Umani ng papuri ang ginawang paglilinis sa beach ng Japanese boy ganun din ang mga magulang nito na nagpalaki sa kanya ng mabuti.
Ayon kay Hannah Galvez, CEO at Founder ng Olives, Inc. at Olives Language School na nagbbigay ng online and onsite courses sa Tokyo, Japan, itinuturo raw talaga sa mga Japanese students ang paglilinis ng kapaligiran.
Aniya, ang paglilinis ng mga studyante sa kanilang classroom ay upang matuto sila ng disiplna. Ang paglilinis naman ng kanilang paaralan ay upang maging responsable silang mamamayan.
Kwento ni Galvez, meron din daw isang Japanase na lalaki ang pumunta ng Baguio City at doon naglinis ng mga kalye.
“He tries to visit Baguio every year to clean,” sabi ni Galvez.
Aniya, hindi raw ordinaryong tao ang lalaking hapon dahil mayroon itong restaurant sa Tokyo.
“It is such a shame to us locals that we let a foreigner set an example in cleaning our own area,” sabi ni Galvez.
No comments