Ama na hindi Makahap ng Trabaho dahil sa Kanyang Karamdaman, Humihingi ng Tulong para sa Pagkain at Gatas ng Kanyang mga Anak



Isang lalaki ang humihingi ng tulong para sa pagkain at gatas ng tatlo nitong anak dahil wala umanong tumatanggap sa kanya para magtrabaho.

Makikita sa larawan ang isang lalaki na batid sa mukha nito na hindi niya na alam kung ano ang gagawin para lang makahanap ng pera para mapakain ang kanyang mga anak.


Makikita din sa larawan ang isang karatula na nagmamaka-awa na si kuya para sa pagkain at pang-gatas ng kanyang anak dahil wala umanong tumatanggap sa kanya upang magtrabaho dahil mayroon itong karamdaman na luslos.

Narito ang nakalagay sa Karatula ni Kuya,

PARANG AWA NYO NA PO, PANG-KAIN GATAS LANG PO NG AKING TATLONG ANAK. HIRAO NA HIRAP NA PO KASE AKO WALANG TUMA-TANGAP DAHIL SAKING KARAM-DAMANG LUSLOS SA BITUKA.

PLs......PLs......PLs.. GODBLESS


Sana may mga mabuting tao na tumulong kay kuya para sa kanyang mga anak dahil bakas sa mukha nito na hirap na hirap na ito sa paghahanap ng trabaho.

Narito ang kabuuang post ni Chito Manalo Gasco,

Nadaanan ko lang along Kabihasnan, sa tapat ng Jollibee..

pasensya kana brod kung eto lng maiitulong ko sayo...

sanay matulungan ka ng mga taong makaka kita ng post na to... salamat sa inyong lahat...

#KMJS

#raffytulfoinaction

#CongTV

#ChoOxTV

#TheHungrySyrianWanderer

#AkosiDogie

ps. pupuntahan ko po ulit bukas ung spot kung san ko sya nakita.. and kunin ko po full details nya...

No comments