9-Anyos na Batang Lalaki, Nagsauli ng Pitaka na Naglalaman ng P32,000 at mga ID
Hinahangaan ngayon ang isang 9-anyos na batang lalaki matapos nitong magsauli ng napulot nitong pouch na naglalaman ng pera.
Ayon sa PNP Alfonso Lista, nakita umano ni Gernan ang isang pouch sa kalsada habang naglalakad siya pauwi.
Ang napulot ng bata ay naglalaman ng mga ID, ilang impostanteng dokumento at may lamang pera na P32,000.
Ngayon ay naibalik na sa may-ari ang naturang pouch at labis ang pasasalamat niya sa batang nakapulot at sa magulang nito dahil maganda ang pagpapalaki nila sa kanilang anak.
Narito ang kabuuang post ng PNP Alfonso Lista,
On the evening of December 21, 2020, Gernan Jay Garcia, 9 years old, Grade 4 at Alfonso Lista Central School surrendered the items he found on his way home. The black pouch he found contained pertinent bank documents, ID Cards and cash amounting to Thirty-Two Thousand Pesos (Php 32, 000.00).
No comments