any

Tweet ni Angelica Panganiban, Sinagot ng Official ng DOTr


Sinagot ni Department of Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran ang tweet ni Angelica Panganiban na natutulog lang ang Gobyerno at wala umanong plano sa nangyaring kalamidad.

Kahit na walang binanggit na pangalan ang aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang post sa Twitter habang sa kasagsagan ng bagyong Rolly, umani pa rin ito ng maraming batikos mula sa mga sumusuporta sa Pangulo na kumbinsidong si President Duterte ang pinatatamaan ni Angelica.


“Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos Kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga Pilipino...”

Isa si DOTr o Department of Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran sa nakabasa ng Twitter post ni Angelica.

Kaya naman nagbigay ng paliwanag ang government official.


Narito ang post ni Department of Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran,

"Ma’am, wala pa nga po kami halos tulog. 😅

Alam n’yo po ba ang dapat ginagawa kung may nararanasang kalamidad ang bayan? BAYANIHAN po, hindi HILAAN PABABA.

Just saying. Hindi po ako galit. Puyat lang. 😁✌️"

No comments