any

Tatay, Nawalan ng Bag na Naglalaman ng P11,000 para sana sa Operasyon ng Anak


Isang Tatay na nawalan ng P11,000 para umano sa operasyon ng anak ang tinilungan ng mga Netizens.

Tiyak na naranasan na nating lahat ang mawalan o mahulugan ng pera o mahalagang bagay. Alam natin ang pakiramdam at kung gaano nakakapanlumo lalo na’t pinaghirapan natin itong ipunin o kitain.

Sa dami ng taong makakapulot ng ating pera o gamit na nawala ay iilan lang o kakaonti lamang ang tiyansang maibabalik pa ito sa atin.


Samantala, sa Facebook post ng netizen na si Dar Palencia, ibinahagi nito ang isang ama na nahulugan ng pera.

Kinilala ang lalaki na si Rolando B. Drilon mula sa Koronadal City. Kwento ni Palencia, nahulog umano ang itim na bag ni tatay Rolando na isinabit niya sa tricycle. Naglalaman ang kanyang bag ng cellphone, lisensya at ang pera na nagkakahalagang P11,000.


Labis-labis ang pag-aalala at lungkot ni tatay Rolando dahil gagamitin sana ang dala niyang pera para sa operasyon ng kanyang anak sa Allah Valley Hospital.

Ayon kay Palencia, gusto niyang tulungan si tatay Rolando na mahanap ang nawala nitong bag kaya ipinost niya ito sa Facebook. Nagbabakasakali silang maibalik pa ito kay tatay Rolando.


Samantala, sa Facebook page na Brigada News FM Koronadal, ibinahagi dito ang kwento ni tatay Rolando upang manawagan sa kung sino man ang nakapulot sa bag ng matanda.

Dahil sa post ng Brigada ay maraming netizens ang naawa at nagpaabot ng kanilang tulong kay tatay Rolando.


Narito ang kabuuang post ni Dar Palencia sa kanyang FB account,

PLS.. Share !!! maluoy kamo..

Kung sin.o man nakakita sang bag ni Tatay ROLANDO B. DRILON naribit iya pack bag nga itom may unod nga sling bag nga blue kwarta sobra 11,000 Cellphone nga black touch screen, wallet kag license, halin xa sa SAN ISIDRO KORONADAL CITY pakadto sa NORALA nahulog ini mga 9;30 to 10 am. ulahi na nya natalupangdan nga wala na ang bag nya nga gin higot sa trycle maluoy kamo kung sin.o man nakapulot palihog ibalik kay kahapon lng nakagawas sa tacurong ospital ang iya bata kag inog refer naman sa alla valley ospital.. Nagalibog na gid iya ulo kung dien dapit nahulog ang iya bag..kag kadaku pa gid sang ila problema kay OPERAHAN iya bata.. maluoy kamu nagakurog gid iya kamot kaina kag naga luha iya mata sang iya problema..

Pls.share basi pa lng mabasahan sang nakapulot.. TANI MAIBALIK LNG KAY TATAY ROLANDO DRILON.. 🙏🙏 maski ako daw mahibi sang problema ni Tatay.. Sa Nakapulot tani hikapon man ni lord imo tagipusuon ini nga kwarta para sa operasyon sang bata ni tatay.. 😢😢

Paki uli lng daw sa any station or kontaka nyo fB acc sang iya bata Si Denah C. Drilon

No comments