any

Super Tekla, Naka-Libre ng Worth 20K Grocery sa Puregold Dahil Natuwa ito sa Kanila


Nakalibre si Super Tekla ng worth of 20k sa Pure Gold dahil natuwa umano ito sa kanilang ginawang challenge sa Vlog nila na “Who’s Gonna Pay Challenge”.

“Blessings come to those who have a pure "gold" heart and honest heart....”

Muling nakatanggap ng pagpapala sina Tekla at Donita na kilala rin bilang Donekla, matapos nilang maghatid ng saya sa isang supermarket habang sila ay nagsho-shoot ng kanilang vlog.


Sa latest vlog ng Donekla in Tandem sa YouTube na may pamagat na “Who’s Gonna Pay Challenge”, ang dalawang komedyante ay namili ng halagang tig P10,000 worth na mga grocery items.

Magbabayad na sana si Tekla para sa mga grocery item.


Pero, Habang nasa counter sila, isa sa mga staff ng supermarket ay lumapit sa kanila upang sabihin na hindi na nila kailangang bayaran ang mga grocery items na kanilang kinuha.

“Dahil natuwa po ‘yung Pure Gold sa inyo, lahat po ng kinuha niyo ngayong araw na ito at lahat ng item na pinamili niyo po ay ibibigay po nang libre sa inyo ng Pure Gold Makati.” sabi ng staff ng Pure Gold supemarket.

2 comments: