Super Tekla at Michelle, Napag-Kasunduan na Kung Kaninong Puder Mapupunta ang Kanilang Anak




Napagkasunduan na nina Super Tekla at Michelle kung kaninong puder mapupunta ang kanilang anak matapos ang kanilang paghihiealay.

Kamakailan lang ay nabalitang isinugod sa ospital ang limang buwang anak ni Super Tekla na si baby Angelo.

Nagka-pneumonia raw si baby Angelo at mabuti na lang at negative ito sa C0VID-19.


Pero ngayon ay nagpapagaling na raw ang kanyang anak.

Habang nasa ospital, may ilang tao umano ang nakakita kay Tekla at nakunan ng video na magkausap silang dalawa ng dati niyang partner ka si Michelle Bana-ag.


Naki-usap nalang daw ang manager ni super Tekla na si Rose Conde na huwag nang ikalat ang video.

Napagkasunduan raw nila Super Tekla at Michelle Bana-ag na sa puder pa rin ni Michelle mananatili si baby Angelo, samantalang si Tekla ang magtutustos sa mga gastusin.


Ayon kay Tekla, okay na sa trabaho nalang siya mag-focus.

Nakapag-move on na umano siya at pinatawad na rin niya si Michelle.


Ngunit ayon kay Donita Nose, ramdam niya ang pagmamahal ni Tekla kay Michelle Bana-ag.

Kaya naman hindi raw siya magugulat kung biglang mabalitang isang araw na nagkabalikan na ang dalawa.

No comments