Pulis na binigyan ng pera ni Senador Manny Pacquiao' ibinili ng Relief Goods at pinamigay sa mas Nangangailan!



Pulis na tubong indang cavite na si PCPL CARLO ROMERO nagpakuha ng PICTURE KAY SENADOR MANNY PACQUIAO INABUTAN PA NG SENADOR NG PERA NGUNIT KANYANG IBINILI ANG PERA NG RELIEF GOODS AT IPINAMIGAY SA MGA MAS NANGNGAILANGAN

Isa na namang Indangeño at Caviteño na pulis ang nagpakita ng kagandahang-loob na nararapat na ating kilalanin upang pamarisan din ng iba, siya ay si PCpl Carlo Romero na nagpakuha ng larawan kasama o katabi si Senador Manny Pacquiao na bumisita sa Dasmariñas, Cavite noong Nobyembre 27, 2020.


Matapos makapagpakuha ng larawan si PCpl Romero ay nagulat siya ng iabot sa kanya ni Senador Pacquiao ang mga natirang pera na ipinamahaging tulong sa mga nangangailangan sa lugar. Hindi inasahan ng mabait na pulis na sa kanya ibinigay ng mabait na senador ang mga natirang pera.


Datapwa't katulad ni Senador Manny Pacquiao na may mabuting puso ay imbes na sarilinin ng pulis ang perang ibinigay sa kanya ng senador ay mas namayani sa kanyang mabuti ring puso ang mga nangangailangan pang kababayan ng tulong kaya ang ginawa niya ay ibinili niya ng mga relief goods ang pera na ibinigay sa kanya ng senador at ipinamahagi niya sa mga kapwa pa na mas nangangailangan.

Tunay na kahanga-hanga ka PCpl Carlo Romero, nawa ay marami pang mga alagad ng batas, mga empleyado ng gobyerno at mga lingkod bayan ang katulad mo na may pagkalinga at pagmamalasakit sa kapwa lalo sa mga nangangailangan. Kami ay sumasaludo sa iyo, maraming salamat sa kabutihan mo, pagpalain ka pang lubos ng ating Panginoong Diyos at Mabuhay ka.


Samantala ay narito naman ang kabuuang post sa social media ni PCpl Carlo Romero, Read On;


LETTER TO SENATOR MANNY PACQUIAO
November 28, 2020

Sir Manny Pacquiao, ako nga po pala yung Pulis na nagpakuha ng picture sa inyo kahapon sa Dasmarinas Cavite. (November 27, 2020). Nagulat po ako dahil pagkatapos natin magpakuha ng picture ay inabot nyo sa akin ang natirang pera sa mga ipinamamahagi ninyo at nung bilangin ko ito ay mas lalo akong nagulat. Ang nais ko lang po talaga ay magpakuha ng picture kasama kayo, hindi ko po inaasahan na ibibigay nyo ang ganun halaga sa akin. Kaya eto po, bilang pasasalamat po sa inyo ay ibinili na rin po namin ang halagang inyong ibinigay ng mga bigas, de lata, kape at noodles upang maipamahagi po sa mga mahihirap nating kababayan, alam ko po mas marami pa po ang lubos na nangangailangan nito kesa po sa amin.

Maraming Salamat po sa inyo. Sana po mabasa nyo itong post ko at sana rin po ma-meet ko pa ulit kayo.
God Bless sir!
Salute!

No comments