any

PANOORIN! | Batang Napag-Bintangang Nakabasag ng Paso, Sinampal ng May-ari


Isang bata ang sinampal ng kapitbahay nila matapos mabasag nito ang paso at dahil sa sampal ay bakas sa mukha ng bata ang kamay ng lalaki.

Galit na galit ang isang babae sa social media matapos umanong sampalin ng kanilang lalaking kapitbahay ang kanyang kapatid na pinagbintangang nakabasag ng paso nito. Bumakas pa sa mukha ng batang lalaki ang kamay ng kapitbahay sa lakas ng pagkakasampal nito.


Ayon kay Maan Torme,ang siyang nagpost sa insidente, sinampal daw ng kapitbahay nilang si "Badong Mancio" ang kanyang kapatid kahit walang pruweba sa bintang nito. Ang sabi ng bata, hindi siya ang nakasagi at nakabasag sa paso, at nagkataong siya ang nandoon nang makita ni Mancio ang basag na paso.

Bigla na lang daw sinampal ni Mancio ang bata. Base sa mga litratong kinuha ni Maan ay bakas pa sa mukha ng bata ang marka ng kamay nito. Namumula ang pisngi ng bata at may pantal pa ito.

Dahil sa nangyaring pananakit, sinubukan daw nilang ipabarangay si Mancio pero hindi man lang daw ito pinatawag ng kanilang kapitan. Ipatatawag na lamang daw ito kapag naulit ang pananakit. Ang masakit pa nito ay pinagtawanan lang din daw sila ng iba pa nilang kapitbahay.


Ayon kay Maan, malakas daw ang kapit ni Mancio sa barangay, dahil siya raw ang ama ng isang opisyal doon na nagngangalang Marlon Mancio. Palusot ng nanampal, may isang kapitbahay raw silang nakakita na ang kapatid ni Torme ang nakabasag sa paso. Ayon naman sa kapatid ng sinampal, wala namang sinasabi ang kapitbahay na umano’y nakakita sa pangyayari.

Sabi ni Maan, maliwanag na pang-aabuso ang ginawa sa kanyang kapatid. Para kay Torme, hindi tamang manakit siya ng bata dahil wala naman siyang ebidensya.

"Yung lalaki sa video dinidiin nya na ung babae sa katapat nyang bahay yung nakakita ng pangyayari samantalang di nga nagsasalita yung babae nayon at kahit balibaliktarin pa ung sitwasyon at pangyayari hindi parin tama na saktan nang "Badong Mancio" nayan yung kapatid ko CHILD ABUSE yang ginawa nyo," aniya.


Nanawagan si Torme na maaksyunan ang kanilang hinaing dahil wala raw silang maaasahan sa kanilang barangay. 

Narito ang kabuuang post ni Maan Torne sa kanyang FB acoount,

Shout out don sa sumampal sa kapatid ko. ''Badong" MANCIO. Sino ka po para saktan at sampalin yung kapatid ko? Wala naman kayong proweba na sila ung nakasagi ng paso na sinasabi nyo. Gaano ba kamahal yan at kailangan nyo pang manakit ng bata.Ang idadahilan nyo kaya nyo sinaktan para di na maulit? Saang baluktot na dahilan nyo napulot yan. Yung garden garden nyo sa tapat nyo sakop na ng daan yan. Dapat nga empty space yan at wala yang halahalaman nyo jan. Yung latay sa mukha ng kapatid ko halatang buong pwersa pa ung pag sampal nyo jan. 

SA BARANGAY. Pag punta pa namin sa barangay pinakwento lang yung pangyayari sa kapatid at sa nanay ko tapos blotter lang ginawa nyo. Imbis na ipatawag nyo ung matanda para mapag usapan yung pangyayari sinabi nyo lang na ''TSAKA NYO NA KAKAUSAPIN PAG NANGYARI PA ULIT" ano yon? Hihintayin nyo pang masampal ulit yung kapatid ko bago kayo umaksyon. Wala kayong ginawa kasi may kapit sa barangay yung nirereklamo namin kasi tatay yon ni MARLON MANCIO. Kami yung naagrabyado pero parang kami pa yung may kasalanan pati mga kapit bahay nyo nagtatawanan lang. Mukha lang kaming dukha pero di nyo kami pwedeng basta basta saktan. WALA KAYONG KARAPATAN.


Isa din yung kapitbahay jan sa video na nakakita daw "kuno'' na naghaharutan ung mga bata kaya nasagi yung paso. Sasabihin nyo pa na mga sinungaling yung mga bata eh ilang beses na namin tinanong at paulit ulit na pinaamin yan pero iisa lang ung sinasabi nila na ''HINDI SILA YUNG NAKASAGI NUNG PASO". Ang sabi ng mga bata galing sila sa baba nun at pag akyat nila nasakto na kapatid ko yung nakita nyo at nasampal nyo ng buong pwersa. Yung lalaki sa video dinidiin nya na ung babae sa katapat nyang bahay yung nakakita ng pangyayari samantalang di nga nagsasalita yung babae nayon at kahit balibaliktarin pa ung sitwasyon at pangyayari hindi parin tama na saktan nang "Badong Mancio" nayan yung kapatid ko CHILD ABUSE yang ginawa nyo. 

Paulit ulit nyong dinidiin yung kapatid ko. Oo Given na makulit at pasaway ang bata pero di parin tama na nakakasakit kayo ng tao lalo nat matanda kayo at bata yung nasaktan nyo. 

PS: Kahit sino sa sitwasyon namin na nasaktan yung batang kamag anak nyo talaga namang MAGAGALIT at SASAMA ANG LOOB. Nag iwan pa kayo ng latay sa mukha ng kapatid ko. Hanggat maari di nga masaktan saktan nga ng magulang ko yan lalo na nag iiwan ng latay. Kayo pa na walang karapatan.

Pps: Sana may makapansin neto. Walang aasahan sa barangay kasi di naman nila inaaksyunan. MAY KALALAGYAN DIN KAYONG LAHAT. DI LANG NGAYON PERO SA TAMANG PANAHON.


2 comments: