Pangulong Duterte, Nagsagawa ng Aerial Survey sa Ilang Lugar na Hinagupit ng Bagyo
Nagsagawa ng aerial survey si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang mga lugar sa bansa na hinagupit ng bagyo.
Sa mga litratong ipinadala ni Senator Bong Go sa Malacañang Press Corps, makikita na lubog pa rin sa baha ang malaking bahagi ng Marikina malapit sa Montalban, Rizal.
Sakay ang Pangulo at si Sen. Bong Go ng presidential chopper nang magsagawa ng aerial survey kani-kanina lamang.
Ayon pa sa Pangulo, bago pa man manalasa ang Bagyong Ulysses ay na-mobilize na ang mga equipment at ang mga responders upang umalalay sa mga maaapektuhang residente.
No comments